Mahigit 2,500 migrants nasawi o nawala habang tumatakas sa gulo

 

 

Nasa mahigit 2,500 migrants na ang nasawi o nawala habang tumatawid sa Mediterranean patungo ng Europe ngayong 2023.

 

Ayon sa ulat ng United Nations Higher Commission for Refugees, mas mataas ito kumpara sa 1,680 katao na nasawi o nawala noong 2022.

 

Karamihan sa mga migrants ay mula sa sub-Saharan Africa na tumatakas sa gulo.

 

Nabatid na ang Tunisian at Libyan coasts ang ginagawang departure points kung saan itinututing itong pinakamapanganib na lugar sa buong mundo.

 

Nasa 186,000 migrants naman ang matagumpay na nakarating sa southern Europe kung saan karamihan ay nagtungo sa Italy, Greece, Spain, Cyprus at Malta.

Read more...