PBBM Jr., nagtalaga ng mga bagong mahistrado

Nagtalaga ng mga bagong mahistrado sa Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals si Pangulong Marcos Jr. Kabilang sa mga itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., sina CA Associate Justices Lorna Francisca Catris Chua Cheng, Raymond Joseph Guevarra Javier, at Consejo Mapa Gengos- Ignalaga. Nabatid na nanumpa na kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga bagong talagang mahistrado. Itinalaga rin bilang bagong Associate Justice ng Sandiganbayan si Juliet Marquez Manalo- San Gaspar, na nakapanumpa na rin sa posisyon. Sa Court of Tax Appeals naman ay naitalaga bilang bagong associate justice si Henry Sumaway Angeles.

Read more...