Sa pagtatapos ng kasalukuyang taon, maaring makaranas ng tag-tuyot ang ilang lugar sa bansa, mula Luzon hanggang Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ito ang Palawan, ilang bahagi ng Negros Oriental, Bohol, Cebu, Siquijor, Leyte, at malaking bahagi ng Mindanao. Makakaranas ang mga ito ng “below normal rainfall condition” ng dalawang buwan. Samantala, sa buwan ng Pebrero, anim na lugar ang makakaranas ng tag-tuyot, samantalang 45 lugar naman sa pagtatapos ng Marso. Sa susunod na buwan, maaring maging “below normal” ang pag-ulan ang mararanasan sa Luzon at malaking bahagi ng Visayas. At sa Western Visayas, ilang bahaging Timog Palawan at Mindanao ang makakaranas ng “near normal rainfall.” Pagsapit ng Nobyembre ay maaring maging iba-iba na ang magiging kondisyon dahil na rin sa El Niño.