P76-M halaga ng cocaine ipinuslit sa NAIA 3 

Timbog ang dalawang babaeng Singapore nationals sa pagbibitbit ng higit 14 kilo ng hinihinalang cocaine sa NAIA Terminal 3 kaninang madaling araw. Kinilala ang dalawa na sina Siti Aishah Binte Awang, 63, isang waitress at Nur Alaviyah Binti Hanaffe, 39, isang make-up artist. Sakay ang dalawa ng Qatar Airways flight QR 928 na nagmula sa Doha, Qatar. Sa ulat, ala-1 kanina nang harangin ang sinasabing mag-ina sa Customs International Arrival Area sa NAIA 3. Nakatago sa anim na lata at limang cylindrical container ang 564 pellets na naglalaman ng hinihinalang cocaine. Nagkakahalaga ang nasamsam na mga droga ng P76.108 milyon.

Read more...