Payo ni Binay kay Robredo, “maghanda sa mas maraming intriga”

 

Inquirer.net/OVP Media Affairs

Nagkita na sina outgoing Vice President Jejomar Binay at ang papalit sa kanyang puwesto na si vice president-elect Leni Robredo.

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang eleksyon, nagpulong ang dalawa Lunes ng hapon sa tahanan ni Robredo sa Quezon City.

Personal na binisita ni Binay si Robredo kasabay ng ika-29 na taong anibersaryo nina Robredo at ang yumao nitong mister na si dating DILG Secretary Jesse Robredo.

Sa naturang pagkikita, naging pangunahing payo ni Binay sa susunod na pangalawang pangulo ay ang paghandaan ang mas marami pang intriga na dadating sa kanya.

Ipinaliwanag naman ni Robredo kay Binay sa kanilang pagpupulong ang dahilan kung bakit hindi ito nagpunta sa Coconut Palace na tanggapan ni VP Binay sa loob ng anim na taon nitong termino at magpasyang hindi dito mag-opisina.

Aniya, hindi na siya nagpunta sa Coconut Palace dahil baka maengganyo siyang manatili na rin doon dahil sa ganda ng naturang tanggapan.

Si Robredo ay mag-oopisina sa dating Boracay mansion sa Quezon City na tinatawag nang Quezon City Rreception House ngayon.

Read more...