Dahil sa mga banta, seguridad ni Robredo hinigpitan na

leni robredo
Inquirer file photo

Inamin ng kampo ni incoming Vice President Leni Robredo na naghigpit sila ng seguridad kasunod ng mga death thretas na tinatanggap ng opisyal.

Pati ang lugar sa Quezon City kung saan siya manunumpa at magsisilbing Office of the Vice President ay dinagdagan na rin ang mga nakatalagang security personnel.

Sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez na mula pa noong maiproklama si Robredo ay mas lalong dumami ang kanilang natatanggap na banta sa kanyang buhay.

Karamihan umano sa mga ito ay galing sa social media at mga text messages.

Sinabi pa ni Hernandez na mas makakabuti na rin ang dagdag na seguridad para na rin sa kaligtasan ng ikalawa sa pinakamataas na government official ng bansa.

Read more...