Proyekto ng NIA, lilimitahan dahil sa tapyas sa pondo

 

Maghihinay-hinay muna ang National Irrigation Administration sa pagpapatupad sa mga nakalinyang proyekto.

Ito ay matapos tapyasan ng Department of Budget and Management ang P132 bilyong panukalang pondo ng NIA para sa taong 2024.

Mula sa P132 bilyon, nasa P41 bilyon lamang ang inaprubahan ng DBM at binawasan ng P90 bilyon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NIA Administrator Engineer Eduardo Guillen, sumusunod lamang sila sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nag awing prayoridad ang food security at taasan ang produksyon sa mga taniman.

Ikinawitran kasi ng DBM na masyadong malaki ang hininging budget ng NIA.

Ayon kay Guillen, pagkakasyahin na lamang ng NIA ang pondo at tutukuyin kung anong mga proyekto ang gagawing prayoridad na muna.

Ayon kay Guillen, dinagdagan naman ng Kongreso ng hiwalay na P40 bilyong pondo ang NIA.

Sabi ng opisyal, malaking tulong na rin ito para sa pagpapatayo sa ilang high dam projects.

 

Read more...