Sarangani Island niyanig ng 6.0 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 6.0 magnitude na lindol ang Sarangani Island, Davao occidental kaninang 9:39 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 155 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Glan, Sarangani at Intensity 1 sa General Santos City.

Ayon sa Phivolcs, asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.

Wala namang naiulat na nasirang ari-arian dahil sa malakas na lindol.

 

Read more...