Chinese barrier sa Scarborough Shoal, tinanggal ng PCG

 

Tinanggal na ng Philippine Coast Guard ang mapanganib na floating barrier o boya na inilagay ng Chinese Coast Guard sa southeast portion ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ayon kay PCG Spokesman for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, tinanggal ang mga boya base na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ni National Security Adviser Eduardo Año.

Sabi ni Tarriela, pagtalima na rin ito sa itinatakda sa international law na ang Pilipinas ang may soberenya sa Scarborough Shoal.

“The barrier posed a hazard to navigation, a clear violation of international law. It also hinders the conduct of fishing and livelihood activities of Filipino fisherfolk in Bajo de Masinloc, which is integral part of the Philippine national territory,” pahayag ni Tarriela.

“The 2016 Arbitral Award has affirmed that Bajo de Masinloc is the traditional fishing ground of Filipino fishermen. Thus, any obstruction hindering the livelihoods of Filipino fisherfolk in the shoal violates the international law. It also infringes sovereignty over Bajo de Masinloc,” pahayag ni Tarriela.

Pagtitiyak ni Tarriela, patuloy na babantayan ng PCG ang kapakanan ng mga Filipinong mangingisda.

Una nang nadiskubre ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources mga boya na may 300 metro ang haba sa Bajo de Masinloc.

 

 

Read more...