Sino ang nagsisinungaling? Ang lie-detector test results o kayo? – Jinggoy

OSJE PHOTO

Muling nagngitngit sa galit si Senator Jinggoy Estrada sa patuloy na pagsisinungaling ng mag-asawang Pablo at France Ruiz, ang mag-asawang diumanoy nang-abuso sa kanilang kasambahay na humantong sa pagkabulag nito.

Sa pagdinig ng Committee on Justice, na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, inusisa ni Estrada ang mag-asawang Ruiz sa resulta ng kanilang hiwalay na lie-detector test.

Sa resulta lumabas ang sinasabing pagsisinungaling ng mag-asawa base sa kanilang mga isinagot sa ilang katanungan.

Lumabas din ang pagsasabi ng totoo ng biktimang si Elvie Vergara.

Nagtaas na ng boses si Estrada dahil sa patuloy na pag-iwas ni France na magsabi ng katotohanan.

Bago ang pagtatapos ng pagdinig, inanunsiyo ni Tolentino na patuloy na makukulong si France sa Senado at isinama na rin ang kanyang mister.

 

 

 

Read more...