Nagpahayag ng kanyang pagkontra si Senator Risa Hontiveros sa planong bawasan ang taripa ng mga inaangkat na bigas.
Duda si Hontiveros sa katuwiran ng Department of Finance (DOF) na magagarantiyahan ng plano ang pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa.
Aniya ang ikinababahala niya ay magkakaroon pa ito ng negatibong epekto sa sektor ng agrikultura at kinalaunan ay sa mga konsyumer.
Ang dapat aniya na gawin ay pagtulungan ang pag-asenso ng sektor at mga konsyumer.
“Local farmers depend on fair prices to sustain their livelihoods, especially in the face of the recent challenges such as severe flooding and the looming El Nino,” ayon sa senadora.
Paniwala pa nito, kung mataas ang presyo ng bigas, mas mahihikayat ang mga lokal na magsasaka na dagdagan ang kanilang produksyon.