Suporta sa mga magsasaka hiniling ni Villar

SCAV OFFICE PHOTO

Para sa pagkakaroon ng seguridad sa pagkain, dapat ay buhusan ng suporta ang mga magsasaka sa bansa.

Ito ang sinabi ni Sen. Cynthia Villar sa pagharap niya sa pulong ng Rotary Club of Makati kamakailan, kung saan tinalakay niya ang food security at green revolution.

“We should also help rural communities access better services from government to make them stay there to feed us all,” diin ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture.

Sa ngayon aniya maraming hamon na kinahaharap ang sektor ng agrikultura, na kanyang ipinangakong pauunlarin.

Binanggit niya na sagana sa bigas ang Pilipinas noong 1973 dahil sa “Green Revolution” at kamakailan ay inilunsad ni Pangulong Marcos Jr., ang bagong bersyon ng programa para na rin  mapagbuti ang nutrisyon na nakukuha ng mga Filipino sa mga pagkain gaya ng mga sariwang prutas at gulay.

Paliwanag ni Villar na layon ng binuhay na programa na gawin ang mga komunidad na ‘green edible landscapes’  sa pamamagitan ng vegetable gardens.

“I have also been leading the campaign on vegetable gardening by distributing seeds and organic fertilizers while enticing people to grow their own food thru our four Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar Sipag) Farm Schools, one in Las Piñas – Bacoor, for NCR and Southern Tagalog and Bicol Region; one in San Jose Del Monte City, Bulacan for Central Luzon, Cordillera Region and Cagayan Valley; one in San Miguel, Iloilo for Visayas and Davao City for Mindanao,” sabi  pa  ni Villar.

Aniya namamahagi siya ng mvga binhi at organic fertilizers mula sa kitchen at garden wastes na ginagawa sa kanilang 87 composting facilities sa Las Piñas at sa 50 composting facilities sa Camella Communities sa buong bansa.

Read more...