Bayani Fernando pumanaw na

INQUIRER FILE PHOTO

 

Pumanaw na si dating Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando.

Ito ang kinumpirma ng pamilya ni Fernando.

Isinugod pa sa Quirino Memorial Hospital si Fernando subalit binawian din ng buhay.

Base sa impormasyon, nahulog si Fernando habang inaayos ang bubong ng bahay.

Agad naman na nagpaabot ng pakikiramay ang MMDA.

Nagsilbing MMDA chairman si Fernando noong 2002 hanggang 2009.

Nagsilbi ring kongresista at mayor ng Marikina si Fernando.

 

Read more...