Importers binigyang ng mas maiksing panahon sa pag-proseso sa mga dokumento

 

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iksihan ang bilang ng araw na ibinibigay sa mga importer para patunayan na lehitimo at kwalipikado silang mag-angkat ng bigas.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng bigas sa Generalm Trias, Cavite, sinabi nito na mula sa kasalukuyang 15 araw na palugit, gagawin itong pitong araw na lamang.

Utos ni Pangulong Marcos sa Bureau of Customs, higpitan at bantayan ang illegal importation.

“Kailangan din namin na higpitan ang pagbantay sa illegal na importation ng lahat ng agri-products kaya’t ‘yan ang aming ginawa at binigyan ko ng instruction ang Bureau of Customs at sabi ko sa kanila imbestigahan niyo nang mabuti at hanapin ninyo ang mga illegal importers, ang mga smuggler ng bigas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa 1,200 na sako ng bigas ang iinamahagi ni Pangulong Marcos sa 1,200 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa General Trias.

Nabatid na mga smuggled na bigas ang ipinamahagi ni Pangulong Marcos.

Donasyon mula sa BOC ang bigas sa Department of Social Welfare and Development.

Namahagi rin si Pangulong Marcos ng P1,577,000 halaga ng assistance sa 217 na magsasaka.

 

 

Read more...