Broadcaster nanguna sa Kalye survey

 

Nanguna sa Kalye survey ang isang broadcaster na kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elecyions sa Oktubre 30.

Base sa survey, nanguna ang broadcaster na si Rex Cayanong sa tanong kung sino ang pipiliin kung ngayon gagawin ang eleksyon sa Brgy. San Isidro, Antipolo City.

Nabatid na ang Kalye survey ay isang non government organization na nakatuon sa good governance at public accountability.

Sa 1,000 katao na isinailalim sa survey, nakakuha si Cayanong ng 35 porsyento, habang nasa ikalawang puwesto naman si Bhaby Salen na nakakuha ng 31.7 porsyento, at Junie Elizaga na nakakuha ng 10 porsyento.

Nasa 23.3 porsyento naman ang hindi pa nakakapagdesisyon.

 

 

 

Read more...