Pumatay sa 14-anyos balut vendor sa Pangasinan, tinutugis

Hinahanap na ng pulisya ang itnuturing na “person of interest” sa pagpatay sa binatilyong balut vendor sa Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Charles Edward Rosete Serquiña, 14. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang pamamaril na naganap noong Setyembre 15 sa Barangay Puelay ay nagresulta rin sa pagkakasugat nina Leonardo Rabara Balbin Jr., 42, at Orlando Alegre Pascua, 50.

Pinaniniwalaan na ang pagpatay kay Serquiña ay maaring “mistaken identity.”

Nabatid na ang pagkakaroon ng “person of interest” sa kaso ay base sa naikuwento ng isa sa mga unang dumalaw sa lamay ng binatilyo.

 

Read more...