NEDA maglalatag kay PBBM Jr., ng ibang paraan ng rice price cut

INQUIRER PHOTO

Kakausapin ng National Economic and Development Authority (NEDA) si Pangulong Marcos Jr., para sa ibang mga paraan na mabawasan ang presyo ng bigas nang hindi nagpapatupad ng price cap.

Sinabi ni NEDA Arsenio Balisacan na ang ipinatutupad na price ceilings ngayon ay pansamantala lamang at kailangan ng gobyerno na makahanap ng ibang mga opsyon.

Binanggit niya ang pagbawas sa taripa sa inaangkat na bigas na isa sa mga maaaring paraan.

Una na rin nilang ipinalutang ni Finance Sec. Benjamin Diokno na bawasan ang kasaluyang 35 porsiyentong taripa sa imported rice sa hindi na pagpapataw ng taripa o hanggang 10 porsiyento na lamang sa mga aangkatin mula sa mga miyembro ng ASEAN o sa “most-favored nation.”

Binabantayan aniya nila ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan at sitwasyon sa mga bansa na nagbebenta ng bigas.

Read more...