OsMak, 8 health centers hindi ibibigay ng Makati sa Taguig
By: Chona Yu
- 1 year ago
Niliwanag ng City Legal Office ng Makati City na hindi iti turn over ng lokal na pamahalaan ang walong health center ng Department of Health sa pangangasiwa ng Taguig City.
Sa ginanap na round table discussion sa Unibersidad de Manila tungkol sa Makati-Taguig Dispute , sinabi ni Atty. Michael Arthur Camina, head City Legal Department ng Makati na hindi nila iti turn over sa Taguig ang naturang mga health center ng Makati na nasa loob ng pinagtalunang 10 EMBO barangays kung walang mamamagitang memorandum of agreement sa pagitan ng Makati at Taguig.
Takda sanang ibigay na ng Makati sa Taguig ang pamamahala sa walong health centers sa Setyembre 30 sa pakikipag tulungan ng DOH dahil sa desisyon ng Korte Suprema na ang EMBO barangays ay sakop ng lokal na pamahalaan ng Taguig.
Hindi rin anyia ipagkakaloob ng Makati LGU sa Taguig ang Ospital ng Makati bagkus ay pauupahan lamang ito ng Makati sa Taguig kung nais gamitin ang ospital ng mga residente ng Taguig.
Problema aniya hindi Citynakikipag usap ang Taguig Legal Office sa kanila para maisagawa na ang pormal na pag take over ng Taguig sa mga EMBO barangays.
Kaugnay nito sinabi naman ni Atty Goerge Matthew Habacon na dapat ay maipalabas na ang final writ of execution upang maisaayos na ang pormal na paglilipat ng pangangasiwa ng Taguig LGU sa EMBO barangays ng Makati.
Binigyang diin ni Habacon na sa pamamagitan ng final writ of execution na kailangang gawin ng Taguig LGU, maaayos na ang usapin sa politics, property, mga paaralan , health at social services ng mamamayan nito.
Sinabi naman ni Atty Vien Lawrence Cabato na dapat ding kumilos ang Kongreso para sa paglusaw ng District 2 ng Makati na kinaroroonan ng 10 EMBO barangays .
Kailangan din anyang kumilos na ang Taguig sa usapin ng pagsasalin sa kanila ng EMBO barangays dahil maaaring magdudulot ito ng confusion ng mamamayan ng lungsod lalupat malapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Umaasa si Atty Camina ng Makati Legal Department na makipag ugnayan na sa kanila ang Taguig Legal Department upang unti unting maayos ang mga gusot dito at tuloy para sa kapakanan ng mga apektadong residente.