PBBM Jr. nagpahiwatig ng fishing ban sa ilang lugar

OP PHOTO

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na ikinukunsidera ng kanyang administrasyon na magpatupad ng fishing ban sa ilang lugar sa bansa para maiwasan ang “overfishing.”

“Kung minsan kailangan ‘wag uubusin ‘yung isda para sa next season mayroon pa. Kaya ‘yun ‘yung tinitignan natin ngayon,” banggit ng Pangulo at dagdag pa niya: At may mga lugar na hindi dapat gawin palaisdaan dahil ito nga ay para sa breeding [at] para dumami ang population ng mga isda. Kaya ‘yun ang ating pinaplano.

Kinilala ng Punong Ehekutibo ang mga hamon na kinahaharap ng mga mangingisda sa bansa tulad ng konting huli dahil sa pagkasira ng kanilang mga tirahan.

Nabanggit din niya na may mga programa para sa karagdagang cold storage facilities para hindi masayang ang mga huling yamang-dagat.

Walang cold storage. Kaya nagtatayo tayo ng cold storage. Doon naman sa mga maliliit na bagsakan ay magbibigay tayo ng gawaan ng yelo, para ‘yung yelo na ‘yan, ‘yun ‘yung ilalagay nila sa bangka para pag may nahuli sila, ilalagay lang doon sa yelo at hindi masira ‘yung isda,” aniya.

Diin niya kailangan ang paghihigpit para matiyak na may sapat na suplay ng isda sa Pilipinas.

 

Read more...