Dumami pa ang ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagsasabi na ikinukunsidera nila ang sarili na mahirap, base sa isinagawang 2nd Quarter survey ng OCTA Research group.
Base sa resulta ng survey, na isinagawa noong Hulyo 22 hanggang 26, 50 porsiyento ng 1,200 respondents ang nagsabi na ikinukunsidera nila ang kanilang pamilya na mahirap.
Ito ay tumataas ng pitong porsiyento kumpara sa naitalagang 43 porsiyento noong Marso.
Ang naitala ay nangangahulugan na 13.4 milyong pamilya sa bansa ang nagsabi na sila ay mahirap, kumpara sa 11.3 milyon sa naunang survey ngayon taon.
Noong nakaraang Oktubre ang “self-rated poor” ay 41 porsiyento naman.
Pinakamataas sa nagsabing sila ay naghirap sa Mindanao sa 59 porsiyento mila sa 45 porsiyento, bagamat mas mataas nag pagtaas sa Visayas, 57 porsiyento mula sa 37 porsiyento.
Samantala, may naging bahagyang pagtaas din sa Metro Manila (40 porsiyento mula 36 porsiyento) at sa Balance Luzon naman ay naiatala ang 46 porsiyento mula sa 47 porsiyento.
Sa nasabi din survey, 15 porsiyento ng respondents o 3.9 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay nagutom.