Divorce Bill lumusot na sa Senate panel, 9 senators pumirma

INQUIRER PHOTO

Naaprubahan na sa komite ang panukalang magbibigay daan para magkaroon na ng diborsiyo sa Pilipinas.

Sa Senate Bill 2443 o ang isinusulong na “Dissolution of Marriage Act,” pinalawak ang maaring magamit na dahilan para mapawalang bisa ang kasal at pagtitibayin ang diborsiyo sa Pilipinas.

Lumusot na ito sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros, isa sa mga may-akda ng panukala.

Ilan din sa mga may-akda sa panukala ay sina Sens Raffy  Tulfo, Robinhood Padilla, Pia Cayetano, at Imee Marcos.

Samantala pumirma naman sa Committee Report No. 124 sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, at Sens. Grace Poe, at JV Ejercito.

Base sa panukala, ang sinoman sa mag-asawa ay maaring humiling ng “absolute divorce”  kung limang taon nang hindi sila nagsasama at “legally separated” sa ilalim ng Article 55 ng Family Code of the Philippines at kung may naganap na panghahalay, bago o matapos silang ikasal.

Gayundin, kung may pananakit na bagamat hindi maaring magamit na dahilan ang “lesbianism” at “homosexuality.”

Kung mayroon ng “absolute divorce” sa ibang bansa ng isang Filipino citizen att “irreconcilable marital differences or irreparable breakdown of the marriage” sa kabila nang pagsusumikap ng mag-asawa na maayos ang kanilang pagsasama makalipas na rin “60-day cooling off period.”

Panghuli, kung nakakuha na ng “annulment” na kinikilala ng simbahan o relihiyon.

Ang katulad na panukala sa Kamara ay naaprubahan na rin ng komite na nagsagawa ng pagdinig noong nakaraang taon.

Read more...