Taas P2.50/litro sa diesel, P2/litro sa gasolina bukas

Magpapatuloy bukas ang lingguhang pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo.

Inanunsiyo ng mga kompaniya ng langis na madadagdagan ng P2 ang kada litro ng gasolina at kerosene at P2.50 naman sa diesel.

Ito ang pang-11 pagtaas ng diesel at kerosene at pang-10 naman sa gasolina simula noong Hulyo.

Tumaas na ang diesel ng P16.90 kada litro, P11.60 sa gasolina at P15.74 naman sa kerosene.

Sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad ang paggalaw ng presyo ay bunga ng desisyon ng  Organization of the Petroleum Exporting Countries’ (OPEC) na ipagpatuloy ang pagbawas sa produksyon ng kanilang langis hanggang Disyembre.

Aniya sa Disyembre magdedesisyon ang OPEC kung ang kanilang bawas-produksyon ay itutuloy hanggang sa pagpasok ng bagong taon.

 

 

 

 

 

Read more...