Pag-ulan sa Luzon at Visayas dahil sa localized thunderstorms
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Posible ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Luzon at Visayas ngayon araw at maari din mainit at maalinsangan na panahon ngayon tanghali.
Samantala, asahan na rin ang ang localized thunderstorms mamayang gabi, ayon pa rin sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang Mindanao naman ay apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) kayat makakaranas ito ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ambon.
Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay magiging maulap din na may kalat-kalat na pag-ambon bunga ng localized thunderstorms.
Posible ang landslides at flashfloods kapag malakas ang pag-ulan.