Taas-presyo sa Christmas goods, hinay-hinay lang – Tolentino

Umapila si Senator Francis  Tolentino sa mga kompaniya na hanggang maari ay iwasan ang napakataas na dagdag-presyo sa kanilang mga produkto na mabenta tuwing Kapaskuhan.

“Ang ma-underscore ay yung social responsibility ng mga kumpanya. Huwag naman masyadong taasan ang presyo dahil papasok na ang Christmas season, para na rin sa ating mga consumer, ating mga mamimili,” pahayag ng senador.

Sinabi ito Tolentino bilang reaksyon sa pahayag ni Roderic Danao, chairman ng PwC Philippines, isang acccounting firm, na ang pambawi ng mga kompaniya sa inflation ay ang pagtataas ng halaga ng kanilang mga produkto.

Bagamat nilinaw din ni Danao na ito ay isang posibilidad lamang kung hindi aniya maitatanggi na ang pumapasan ng mga epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay mga konsyumer.

Dagdag naman ni Tolentino na malaki ang bahagi ng konsyumer sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Kayo na po ang nagsabi na consumer-driven. Kung wala ang ating mga consumers, wala rin ang ine-expect na pag-rebound ng ating ekonomiya,” aniya.

Read more...