Sugatan ang dalawang katao sa isinagawang demolisyon sa mga ilegal na straktura sa Dagat-Dagatan sa Caloocan City.
Kabilang sa mga nasugatan ang isang pulis ng Caloocan PNP na tinamaan ng bato na inihagis ng mga apektadong residente.
Sugatan din ang isang miyembro ng demolisyon team matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa bewang.
Tumindi ang tensyon sa demolisyon matapos na tumutol ang mga apektadong residente ng Barangay 8, na nagtayo pa ng barikada para hindi makapasok ang temolition team.
Nang magsimulang lumapit ang mga puis at demolition team ay nagsimula nang mambato ang mga reisdente.
Isang lalaki naman ang pinaghahanap ng mga pulis matapos na umano’y mamaril.
Ayon sa sheriff ng Caloocan Regional Trial Court, pinaburan ng Korte Suprema ang petisyon ng may-ari ng nasa 7,000 square meters na lupain.
Ang lugar ay una nang itinalaga ng National Housing Authorities (NHA) para paglipatan ng mg informal settlers noong 1983.