Labing apat na baguhang Kongresista ang sumalang sa Executive Course of Legislation ngayong araw.
Ito na ang 2nd batch ng neophyte congressmen na sumasailalim sa kurso, bago sila sumabak sa trabaho sa 17th Congress.
Kabilang sila sa 108 na bagitong mambabatas na magiging bahagi ng susunod na kongreso.
Kasama sa orientation ngayon sina incoming Rep. Ruel Pacquiao, ang nakababatang kapatid ni Senator-elect Manny Pacquiao at papalit sa kanya bilang kinatawan ng Sarangani.
Present din si incoming Rep. Geraldine Roman, ang transgender na nanalong kinatawan ng unang distrito ng Bataan; at Chiqui Roa-Puno, dating broadcaster at ngayo’y Kongresista na ng Rizal.
Gaya sa naunang batch, tatagal ng apat na araw ang crash course ngayong linggo at matatapos ito sa isang mock session sa Huwebes.
Katuwang ng kamara sa pagbibigay ng executive course on legislation ang Center for Policy and Executive Development at National College of Public Administration and Governance ng University of the Philippines.
Layon nitong ihanda ang neophyte Solons sa pagsabak sa trabaho bilang mambabatas.