Duterte, nanindigan sa 3-child policy

Rodrigo-dutertePinanindgan ni President-elect Rodrigo Duterte ang kaniyang posisyon hinggil sa three-child sa Pilipinas na aniya ay makatutulong sa economic growth ng bansa.

Sa kaniyang speech sa pagdalo sa huling flag-raising ceremony niya bilang Davao City mayor, sinabi ni Duterte na ibaibalik niya ang family planning program sa Pilipinas.

Kailangan aniyang maging proactive ang mga social workers. “I will reinstall the program of family planning. Three—tama na ‘yan,” sinabi ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na kung maisasaayos ang sitwasyon ng bansa, magiging maayos din ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan.

Aminado naman si Duterte na hindi niya makakasundo ang simbahan sa nasabing usapin dahil magkaiba talaga sila ng pananaw pagdating sa isyu ng family planning.

 

 

Read more...