Go ibinilin sa DOH na pag-aralan ang pagbili ng karagdagang COVID 19 vaccines

SENATE PRIB PHOTO

Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na suportado ang panawagan na pag-aralan ang pangangailangan sa pagbili ng mga bakuna para sa mga Filipino.

Aniya nasa mandato na ng Department of Health (DOH) na masusing pag-aaralan kung kailangan na bumili ng karagdagang ibang uri ng COVID 19 vaccines.

Sinabi ito ni Go matapos maglabasan ang mga ulat ukol sa paubos ng monovalent at bivalent COVID-19 vaccine.

“Nasa Department of Health naman po ‘yung pag-aaral kung kailangan pa nating bumili ng bivalent na mga bakuna. Pinag-aaralan ng ating DOH kung kakailanganin pa natin ng dagdag na suplay at karapat-dapat pa ba itong mga bakunang ito na ayon po sa panahon ngayon para sa ating COVID response at recovery efforts,” aniya.

Kailangan lang aniya na science-based ang pagbili pa ng mga karagdagang bakuna para may sapat na suplay ng mga ito para sa medical frontliners.

“Kung kailangang bumili suportado ko po ito. Kung ano po ang makakabuti para maging protektado po ang kalusugan ng bawat Pilipino lalong-lalo na po ang mga medical frontliners natin na sila pong humaharap sa ospital na nakikipaglaban po dito sa COVID-19. Dapat po ay protektado sila,” dagdag pa ng namumuno sa Committee on Health.

 

Read more...