600 Barangay, SK elections’ candidates ipinagpapaliwanag ng Comelec

Ipinagpapaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) ang halos 600  Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) candidates dahil sa posibleng paglabag sa election laws.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na nagpadala na sila ng 400 show cause orders at ipinagpapawalanag ang mga kandidato para hindi sila idiskuwalipika o maharap sa mga kasong kriminal.

Aniya may karagdagang 200 show cause orders ang ipapadala nila sa mga kandidato.

Paliwanag ni Garcia na maari silang makapagsagawa ng motu propio investigation kapag may kaso na naisampa laban sa kanila.

Nabatid na karaniwang reklamo sa mga kandidato ay “premature campaigning.”

Paalala ni Garcia, ang campaign period ay magsisimula sa Oktubre 19 hanggang Oktubre 28 para sa halalan sa Oktubre 30.

 

Read more...