Tatlo lamang sa limang baguhang senador ang dumalo sa isinagawang orientation ngayong araw sa Senado.
Present sa orientation sina Senators-elect Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva.
Kasama ng tatlo ang kani-kanilang staff na dumalo sa orientation.
Ang tatlo ay pawang mayroon nang karanasan bilang mga mambabatas dahil sila ay naging miyembro na ng House of Rerpresentatives.
Habang ang dalawa pang baguhang senador na sina Senators-elect Leila de Lima at Manny Pacquiao ay absent sa orientation.
Sa nasabing orientation, nagbigay ng briefing ang Senate secretariat sa mga incoming senators at kanilang staff hinggil sa legislative work sa senado.
MOST READ
LATEST STORIES