May hirit pa ang transport groups na pagkatapos ng pagdinig ay maipatupad na ang provisional P1 fare increase.
Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na dalawa ang petisyon para sa dagdag-pasahe, ang karagdagang P4 sa pasahe sa unang apat na kilometro ng biyahe at P1 na dagdag sa kada kilometro.
May transport group na humirit naman ng dagdag P2 sa unang apat na kilometro at P1 sa bawat karagdagang kilometro ng biyahe.
Aniya hihilingin nila sa transport groups na pag-isahin ang kanilang mga petisyon para mapabilis ang desisyon.
Samantala, ang hiling ng mga grupo na agarang paniningil ng karagdagang P1 sa pasahe ay magiging epektibo habang hinihintay ang desisyon ng LTFRB.
Ayon kay Guadiz kailangan na suriing mabuti ang mga petisyon at balansehin ito sa katuwiran na ang karagdagang pasahe ay may epekto sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.