Habagat mararamdaman sa malaking bahagi ng Pilipinas

Magiging maulap sa malaking bahagi ng bansa, mula Luzon hanggang Mindanao, ngayon araw dahil sa habagat. Sa 24-hour public weather forecast na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-4 ng madalin araw, maaring makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila dahil sa habagat. Gayundin sa Pangasinan, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at BARMM. Maaring magdulot ito ng pagbaha at landslides kung magiging malakas ang buhos ng ulan sa mga nabanggit na lugar. Bahagya naman magiging maulap na may manakanakang pag-ulan sa natitirang bahagi ng bansa dahil pa rin sa habagat. Samantala, ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility ay namataan kaninang madaling araw sa distansiyang 395 kilometro Silangan Hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Read more...