Singapore Airlines plane, nagliyab matapos makabalik sa airport dahil sa engine trouble

(PHOTO CREDIT TO DOUGLAS YEW)
(PHOTO CREDIT TO DOUGLAS YEW)

Nagliyab ang eroplano ng Singapore Airlines Ltd na bibiyahe sana patungong Milan.

Napilitang bumalik sa Changi Airport sa Singapore ang Boeing 777-300ER ng Singapore Airlines matapos ang engine oil warning.

Lumapag sa nasabing paliparan ang eroplano alas 6:50 ng umaga at pagkalapag nito ay nagsimula na itong magliyab.

Ligtas naman lahat ng 222 na pasahero at 19 na crew ng eroplano na mabilis nakababa at dinala sa terminal building sakay ng bus.

Nakatakda naman silang pasakayin sa susunod na eroplano na bibiyahe patungong Milan.

Sa imbestigasyon, umalis sa Changi ang SQ368 alas 2:05 ng madaling araw, pero makalipas ang dalawang oras, nag-anunsyo ng egine problem ang piloto at sinabing kinakailangan nilang bumalik ng Singapore.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon hinggil sa naging problema ng eroplano.

 

Read more...