Ibat ibang aktibidad ang ikinasa kasabay ng ika-66 na kaarawan ni Pangulong Marcos Jr. ngayong araw.
Kabilang na rito ang paglulunsad sa LAB For All: Lingap at Alagang Bayanihan, Nagsagawa rin ng Bayanihan for Tree Planting sa 40 na lugar kung saan itinanim ang mahigit 15,000 seedlings ng LAB For All volunteers at ng One Movement Inc., local government units, DOTr Philippine Ports Authority, Rail Sector, Airports/Aviation, Road Sector, at iba pa. Nagsagawa rin ng Bayanihan for Medical and Dental Missions sa 19 lokasyon kung saan aabot sa 23,918 ang naging benepisyaryo. Katuwang sa medical at dental missions ang 10 provincial, city at municipal governments pati na ang as 70 partners mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Mayroon ding Bayanihan for Feeding Program initiatives na inilunsad sa siyam na lugar kung saan nasa 12,500 naman ang benepisyaryo, bukod sa Milk Letting activity sa dalawang lugar kung saan nasa 100 ang benepisyaryo. Ibat-ibang birthday greetings din ang inilagay sa mga major outdoor advertising agencies gaya ng Globaltronics and Carranz/DOOH sa EDSA corner Shaw Boulevard, Buendia, Gil Puyat corner Makati Avenue, Greenbelt at Glorietta areas at iba pa.MOST READ
LATEST STORIES