Committee hearings sa P5.7-T 2024 budget tapos na sa Kamara

HREP PHOTO

Inabot ng 33 araw ang isinagawang mga pagdinig ng House Committee on Appropriations sa mga budget ng ibat-ibang ahensiya at tanggapan ng gobyerno para sa susunod na taon.

Kasunod nito ay ang deliberasyon sa plenaryo ng Kamara para sa P5.768 trillion 2024 national budget.

Ang 2024 budget ng Commission on Higher Education (ChEd) ang huling tinalakay ng komite 

Ang proposed budget sa susunod na taon ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas at base sa National Expenditure Program.

Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, ang vice chairperson ng komite, sinimulan nila ang deliberasyon noong Agosto 10 at aniya “on target” sila sa kanilang schedule.

Magsisimula naman ang deliberasyon sa plenaryo sa Setyembre 19.

Aniya maaring maaprubahan ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa sa Setyembre 27.

Read more...