P65/ kilo, pinakamahal na bigas sa Metro Manila market

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na ang pinakamahal na klase ng bigas sa mga palengke sa Metro Manila ay nagkakahalaga ng P65 kada kilo.

Base sa monitoring ng kagawaran, ang maituturing na pinakamahal na uri ng bigas ay ang Imported Special na mula P53 – P65 ang presyo kada kilo.

Samantala, ang pinakamura naman ay P41 kada kilo, ang price cap na itinakda ng gobyerno sa regular-milled rice.

Ayon pa sa kagawaran, ang mga naturang presyo ay base sa kanilang pag-iikot sa malalaking palengke sa Metro Manila kahapon.

Wala naman ipinagbibiling imported regular-milled rice.

Base sa inilabas na EO 39 ng Malakanyang, ang dapat na halaga ng bigas ay P41 kada kilo sa regular milled at P45 naman sa well-milled.

Read more...