Dalawa ang nasawi sa sunog na naganap sa isang bahay sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.
Nasunog ang isang bahay sa number 11, block 4, Courage Street, Capitol Estate II sa nasabing Barangay na pag-aari ni Retired Police General Ismael Rafanan.
Nagsimula ang sunog pasado alas 7:30 ng umaga, at itinaas sa ikatlong alarma alas 8:01 ng umaga.
Nang tuluyang maapula ang apoy at nakapasok ang mga bumbero sa loob ng bahay ay natagpuan ang wala ng buhay na si Marilyn Rafanan, 69-anyos sa loob ng banyo.
Ayon sa mga bumbero, patay na rin ang anak ni Rafanan na kinilalang si Stara Rafanan, 27-anyos pero hindi pa nailalabas ng bahay ang mga labi nito.
Ayon sa mga kapitbahay ng pamilya Rafanan, may narinig silang malakas na putok bago ang pagliyab ng apoy.