Speaker Martin Romualdez todo-pasalamat sa mataas na satisfaction at trust ratings ng Kamara

SMR FB PHOTO

Labis na ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang mataas na “satisfaction & trust” ratings sa Mababang Kapulungan ng Kongreso base sa resulta ng OCTA Research survey.

“I thank our people for recognizing the work we do at the House of Representatives for them and the nation under the Marcos administration. That will inspire us to push on and even work harder to remain worthy of their trust,” ani Romualdez.

Aniya labis-labis ang kanyang pasasalamat sa sambayan dahil napapahahalagahan ang kanilang mga ginagawa bilang suporta sa mga programa at prayoridad ni Pangulong Marcos Jr.

Gayundin ang kanilang mga ginagawang hakbang upang maibaba ang inflation at mapanatiling mababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

“We have already made some headway, and we will carry on with those tasks with more vigor until we have achieved the goals we have set out to do,”  sabi pa ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

Nangako na rin si Romualdez na gagawin ng Kamara ang lahat para maging “stable” ang presyo ng bigas, sibuyas at iba pang mga bilihin at makakaasa ng tulong ang mga maapektuhan ng mga hakbang ng gobyerno para mapanatilimg abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Read more...