Sen. Bong Go suportado ang Nutrition Action Plan para labanan ang malnutrisyon

Sinuportahan ni Senator Christopher Go ang inilunsad na “Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023 – 2028” para malabanan ang malnutrisyon sa bansa.

“Ang paglulunsad ng PPAN 2023-2028 ay patunay sa ating kolektibong hangarin na itaas ang kalidad ng buhay ng ating mga kababayan, lalo na ang mga bata,” ani Go.

Inilunsad nina Health Sec. Ted Herbosa at Science and Technology Sec. Renato Solidum Jr., ang PPAN noong nakaraang linggo.

Ayon kay Go ang inisyatibo ay nabuo sa pundasyon na inilatag ng nakalipas na administrasyong-Duterte para maresolba ang isyu ng kagutuman at malnutrisyon sa bansa sa kasagsagan ng COVID 19 pandemic.

“Naging prayoridad ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte noon ang kalusugan ng mga Pilipino. Programs like the First 1,000 Days were instrumental in addressing malnutrition during the most crucial stages of a child’s life. This new plan is a continuation of that legacy, and I am proud to support it,” dagdag pa ng senador.

Sinegundahan ng namumuno sa Senate Committee on Health ang pahayag ni Herbosa na napakahalaga ng unang 1,000 araw sa buhay, mula sa unang araw nang pagbubuntis hanggang sa pangalawang taon ng bansa.

“Hindi natin maaring balewalain ang nutrisyon ng ating mga anak. If we do, we are setting them up for a lifetime of challenges that could have been easily prevented,” pagpupunto ni Go.

Aniya noong nakalipas na administrasyon, naisabatas ang Republic Act No. 11148 or the “First 1,000 Days” Law, maging ang School-Based Feeding Program.

Samantala, ang PPAN ay nakatuon sa tatlong target – maging madali para sa lahat ang pagkakaroon ng mga masustansiyang pagkain, promosyon sa mas epektibong paraan ng pagkain at ma maging madali ang pagbibigay ng “quality nutrition services.”

“This is a comprehensive approach to a problem that has long plagued our nation. With the collective efforts of the government, private sector, and the Filipino people, we can break the cycle of malnutrition and give every Filipino child a chance for a healthier, brighter future,” sabi pa ni Go.

Read more...