EO 39 sinuportahan ng mga magsasaka

 

Suportado ng ibat ibang grupo ng mga magsasaka ang agtatakda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”  Marcos Jr. sa presyo ng bigas.

Ayon kay Bantay Buklura ARBs at Farmers’ Association President Lilian Macalood, dahil sa Exeutive Order No.39 ni Pangulong Marcos, mapapanatiling mababa ang presyo ng bigas.

Base sa EO, nasa P41 ang presyo sa kada kilo ng regular milled rice at P45 naman sa kada kilo ng well-milled rice.

Sinabi ni Macalood na dahil sa sobrang pagtaas ng bigas, marami sa mga Filipino ang hindi na nakaagapay sa presyo nito pati na ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay.

Pakiusap ni Macalood sa mga tindero ng bigas, sumunod sa itinakdang presyo at huwag iimbak ang bigas.

Suportado rin ni Palawan ARC Cooperative Federation General Manager Reymundo Imaysay ang hakbang ni Pangulong Marcos.

Dahil sa ginawa ni Pangulong Marcos, sinabi ni Imaysay na tiyak na matatanggal ang hindi maayos na kompetisyon sa mga rice traders at maiiwasan ang pagsasamantala ng mga negosyante.

Malaking benepisyo aniya sa mga magsasaka kung makokonttrol ang presyo ng bigas.

Sinabi naman ni Carolina Pacheco Joson, miyembro ng Malsada Pisco farmers’ group sa Leyte na nagpasasalamat ang kanilang hanay sa pagtugon ni Pangulong Marcos sa problema sa presyo ng bigas.

Maging ang mga grupo ng mga magsasaka sa San Isidro Organic Farmers Association sa Brgy. San Isidro Sta. Fe, Leyte, Yabong Kabuhayan ng Gatud (Yakag) DARPO-Oriental Mindoro sa Gatud, Calapan City, Oriental Mindoro, Genero ARB MPC of DAR sa Occidental Mindoro at Dubduban Farmers and Fisherfolks ay suportado ang EO ni Pangulong Marcos.

Read more...