Inirekomenda ng Board of Inquiry ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagsasampa ng mga kasong administratibo laban sa ilang opisyal ng kawanihan dahil sa pagkakatakas ng isang bilanggo noong Hulyo.
Gross neglect of duty ang kahaharapin ng mga opisyal maging ng mga corrections officers ukol sa pagkakatakas ni Michael Cataroja.
Sinabi ni BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang na maaring maharap din ang mga ito sa mga kasong kriminal.
Sa ikatlong pagdinig ng Committee on Justice, sa pangunguna ni Sen. Francis Tolentino, sinabi na 700 tauhan ng Security and Patrol Unit ang inalis kayat halos wala nang nakatutok sa mga bilanggo sa Maximum Security Compound sa pambansang-piitan.
Sa testimoniya ni Cataroja pinanindigan nito na nakatakas siya sa pamamagitan ng pagsiksik sa sarili sa ilalim ng truck ng basura.
At base sa resulta ng kanyang lie detector test na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) lumabas na hindi siya nagsisinungaling.