Habagat nakaka-apekto sa Hilaga, Gitnang Luzon; MM magiging maulap

 

Naaapektuhan ng habagat ang kanlurang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magiging maulap sa Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa at posibleng makaranas ng kalat-kalt na pag-ulan dulot ng habagat o localized thunderstorms.

Maaring magdulot ito ng flashfloods atr landslides kung magiging matindi ang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Mahina hanggang sa katamtaman naman ang ihip ng hangin na may direksyon na Timog patungong Timog-Kanluran.

Samantalang magiging banayad naman ang “coastal waters” sa bansa.

Read more...