Ibinahagi ng Commission on Audit (COA) na may P7.43 bilyong halaga ng mga gamot ang Department of Health (DOH) na nasayang lamang.
Kabilang na dito ang mga gamot na malapit nang mag-expired, hindi naipapamahagi at “overstocked.”
Ang mga “expired drugs,” na nagkakahalaga ng P2.391 milyon ay sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region IX, at Region XII, samantalang ang mga gamot na malapit nang mag-expire at sa National Capital Region (NCR), Region I, Region III, at Region VI at nagkakahalaga ang mga ito ng higit P86 milyon.
May P53,376 halaga naman ng mga gamot ang inanay sa Central Luzon at P203.6 milyon halaga ng mga “overstocked drugs” sa CAR, Region I, Region III, at Region XIII at may P879,233 halaga ng “understocked medicine” sa Region XIII.
Ayon pa sa COA may mga “slow moving medicines” sa NCR, Region I, at Region XIII na nagkakahalaga ng P5-605 bilyon at may mga gamot na mabagal o hindi naipapamahagi at nagkakahalaga ang mga ito ng higit P1.5 bilyon.
Bukod pa dito higit P18.3 bilyon halaga ng mga gamot na malapit nang mag-expire.