Israel, tutol sa kasunduan ng UN at Iran

Flag_of_the_United_Nations.svg
Mula sa UN website

Hindi nagustuhan ng Israel ang nabuong kasunduan sa pagitan ng United Nations sa pangunguna ng U.S at Iran kaugnay sa pagiging bukas ng naturang bansa sa lahat ng uri ng nuclear inspection.

Sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi dapat makipag-usap ang U.N sa Iran bagkus ay ipatupad na lamang nito ang international protocol kaugnay sa pagbabawal ng pagbuo ng nuclear weapon.

Nauna dito ay nakipagkasundo ang ilang mga makapangyarihang bansa sa pamumuno ng U.S sa Iran para gawing accessible sa U.N inspection team ang kanilang Atomic program.

Kabilang sa mga ito ang access ng U.N sa lahat ng Military Installation ng Iran.

Sa kabilang panig naman ay aalisin ng U.N ang ilang taon na ring economic embargo na lalong nagpahirap sa mga residente ng naturang bansa.

Base sa nabuong kasunduan ay aalisin na rin ang ipinataw na European oil embargo at financial restrictions sa mga bangko sa Iran.

Matatanggap na rin ng Iranian government ang $100 Billion na frozen assets mula sa iba’t-ibang panig ng mundo bilang bahagi ng nabuong nuclear accord.

Sinabi ni U.S President Barrack Obama na hindi biro ang halos ay dalawang taong negosasyon maliban pa sa tuloy-tuloy na secret meetings sa pagitan ng Washington at Tehran.

Sa kanya namang televised message na umere din sa U.S, ipinaliwanag ni Iranian President Hassan Rouhani na handa na silang buksan sa mundo ang kanilang bansa.

Ang gagawing inspection ng International Atomic Energy Agency ay patunay daw na wala silang itinatagong nuclear weapon sa kahit saang panig ng Iran./Den Macaranas

Read more...