Abswelto sa asuntong direct bribery ang dalawang empleyado ng Quezon City Hall.
Ito ay matapos basura ng Quezon City Prosecutors Office ang kaso laban kina Ulyssses Dela Cruz at Shaine Ann Marie Cabuang ng Treasurer’ Office ng Quezon City. Bukod sa direct bribery, inireklamo rin ang dalawa sa paglabag sa Republic Act of 11032 o Ease of Doing Business and efficient Government Service Delivery. Nag-ugat ang reklamo sa isang Anthony Stephen Monteiro, na humingi ng diskuwenti sa babayaran dito at sinabihan ito ni Dela Cruz na magbayad ng halagang P50,000 at sinabing ibigay ang bayad kay Cabuang. Dahil naibaba ang babayaran , nagreklamo naman si Monteiro sa E-Sumbong kayat agad nagsagawa ng entrapment operation ang QCPD Kamuning Police Station laban kay Dela Cruz. Noong May 25,2023 alas 2 ng hapon, isinagawa ang entrapment operation sa QC Treasurers Office .Noon ay ibinibigay ni Monteiro ang naturang halaga kay Dela Cruz pero hindi nito tinanggap ang bayad at sinabing ibigay ito kay Cabuang. Habang binibilang na ni Cabuang ang bayad gamit ang money counting machine ay natuklaran nito na ang pera ay peke sabay ang noon ding pag aresto ng Kamuning Police sa dalawang akusado at sinampahan ng naturang mga kaso. Sa pagbusisi ng korte sa kaso makaraan ang serye ng pagdinig , napatunayan ng Prosecutors Office na walang sapat na batayan upang ang dalawang kawani na madiin sa naturang mga kaso. “ Respondents cannot be indicted for violation of Section 13 of RA 11032 because there is no showing that complainant ask for a receipt from the respondents Besides respondents were not given the opportunity to issue a receipt during the entrapment operation” nakasaad sa nilagdaan resolusyon ni Asst. City Prosecutor Carayugan-Lugo sa kaso. Kaugnay nito, sinabi ni City Treasurer Edgar Villanueva na nang malaman ang insidente ay agad niyang sinuspinde sa trabaho ang dalawa upang bigyang daan ang imbestigasyon sa kaso. Anya, simula’t sapul ay naniniwala siyang walang kasalanan ang dalawang tauhan dahil mahigpit ang kanyang kampanya laban sa korapsiyon sa kanyang tanggapan . Binigyang diin ni Villanueva na walang puwang sa kanyang tanggapan ang mga anomalya dahil mahusay na napapangasiwaan ang mahigpit na tagubilin ni Mayor Joy Belmonte na labanan ang anumang uri ng korapsiyon sa mga tanggapan sa QC Hall. Si Villanueva kasama ni Mayor Belmonte ay tumanggap ng apat na awards sa ginanap na stakeholders recognition program ng Department of Finance Bureau of Local Government Finance at nominee para sa natatanging Lingkod Bayan ng Civil Service Commission.MOST READ
LATEST STORIES