PBBM Jr., hinikayat ang ASEAN leaders na magpatak-patak sa climate change fund

PCO PHOTO

Jakarta, Indonesia –  Hiikayat ni Pangulong  Marcos Jr. ang mga kapwa lider na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magtatag ng Loss and Damage Fund (LDF) para sa matugunan ang epekto ng climate change.

Sa intervention ni Pangulong Marcos Jr., sa 18th East Asia Summit dito, sinabi nito na kawawa ang mga maliliit na bansa.

“Countries with the smallest carbon footprints disproportionately bear the heaviest burden of climate change. We need to urgently realize the Loss and Damage Fund (LDF) to catalyze assistance to address climate change,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nanindigan si Pangulong Marcos na mahalaga ang climate financing.

“We seek your support towards the development of our strategic minerals supply and value chains, which would boost our efforts in ensuring a resilient and sustainable future for our region,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

Pangako nito s sa kapwa ASEAN leaders na patuloy na magiging champion ang Pilipinas saa open at inclusive regional order kung saan mananaig ang rule of law.

Read more...