Pangulong Marcos Jr., FL Liza dumalo sa ASEAN gala dinner

PCO PHOTO

Jakarta, Indonesia – Dumalo sina Pangulong  Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa gala dinner na inihanda ni Indonesian President Joko Widodo dito.

Sideline ang gala dinner sa 43rd Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit and Related Summits. Nakasuot si Pangulong Marcos ng batik na national dress ng mga Indonesian habang nakasuot naman ng kulay pulang terno ang Unang Ginang. Kasama ng mag-asawa ng Marcos sa gala dinner ang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. Makikita sa video na sumasayaw si First Lady habang tinutugtog ang Dancing Queen ng Abba. Dumalo sa gala dinner ang ASEAN Leaders at ang kani-kanilang mga first lady. Dumalo rin sina  US Vice President Kamala Harris, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Australian Prime Minister Anthony Albanese at iba pa.

Read more...