Utang ng gobyerno sa private hospitals nakaka-apekto sa healthcare services – Herrera
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Dismayado at nababahala si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa kabiguan ng Department of Health (DOH) na bayaran ang mga pagkaka-utang sa mga pribadong ospital at doktor.
Ayon kay Herrera, kinatawan ng Bagong Henerasyon Partylist, ito ang dahilan kayat malamig ang mga pribadong ospital sa mga inisyatibo ng may kinalaman sa kalusugan.
“One of the reasons why we’re encountering difficulties in partnering with private hospitals is our inability to make timely payments,” ani Herrera, na ipinunto ang P2.2 bilyong utang sa allowances sa mga pribadong ospital na naipon simula noong kasagsagan ng pandemya.
“It will be very challenging to convince the private sector to participate if we cannot meet our financial commitments on time,” pagpupunto pa ni Herrera.
Ang pahayag na ito ng mambabatas ay bunsod ng mga pag-amin ni Health Sec. Teodoro “Ted” Herbosa na nahihirapan sila na hikayatin ang mga pribadong ospital na makipagtulungan sa Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) program.
Layon ng programa, paliwanag ni Herbosa, na magbigay ng tulong-pinansiyal sa mga mahihirap na pasyente upang sila ay makapagpasuri o magpagamot sa mga pribadong ospital.
“Private hospitals don’t want to sign a MOA (memorandum of agreement with the DOH), especially in areas where there’s no public hospital. Some of [these hospitals] don’t want to accept letter of guarantee. There are also physicians who do not want to accept letter of guarantee.” ani Herrera.
Pinuna nito na umabot sa P9.4 bilyon ang hindi nagamit sa inilaang pondo para sa pagkasa ng MAIP.
Nabanggit din nito na maging ang pondo para sa mga gamot ng mga mahihirap na pasyente.
Samantala, nagawa ni Herrera na mangako naman ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na makipag-diyalogo sa mga midwife na nahihirapan na makuha ang kanilang kompensasyon.