PBBM Jr., sa Chinese Premier: Igigiit namin ang karapatan ng Pilipinas sa WPS

Jakarta, Indonesia – Personal na ipinaabot ni Pangulong Marcos Jr. kay Chinese Premier Lee Qiang na igigiit ng Pilipinas ang karapatan  sa South China Sea base sa international law. Nagkausap sina  Pangulong Marcos Jr., at Li matapos magbigay ng kani-kanilang intervention sa ASEAN-China Summit na ginaganap dito. Ayon sa Pangulo, patuloy na itutulak ng Pilipinas ang kooperasyon sa China tungo sa mas malakas na partnership at kolaborasyon. Natjtuwa si Pangulong Marcos sa pinaka bagong developments sa negosasyin sa Code of Conduct sa south China Sea. Una rito,  hinimok ni Pangulong Marcos Jr., ang mga kapwa lider sa ASEAN na huwag pumayag na may mag hari-harian sa a South China Sea.

Read more...