(MCA pool)
JAKARTA, INDONESIA—Isang honest mistake ang pagkakabaliktad sa watawat ng Pilipinas nang magkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa sideline ng 43rd Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits na ginaganap sa Jakarta, Indonesia.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Maria Theresa Lazaro, walang kinalaman ang protocol officers ng Pilipinas sa pagkakabaliktad ng watawat.
“It was an honest mistake that had nothing to do with our protocol officers,” pahayag ni Lazaro.
Sa halip, sinabi ni Lazaro na tuloy ang bakbakan sa medyas nina Pangulong Marcos at Trudeau.
“But the battle of the socks continues,” pahayag ni Lazaro.
Makikita sa larawan na nakasuot ng kulay pula na iconic na medyas si Trudeau habang kulay asul naman si Pangulong Marcos.
Matatandaan na noong Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na ginanap sa Thailand noong Oktubre 2022, nagpasiklaban na rin ng medyas sina Pangulong Marcos at Trudeau kung saan pareho silang nakasuot ng iconic socks.
Katunayan, nagsagawa pa ng poll ang Pangulo sa kanyang social media account na may tanong na “who wore it better?”
Sa naturang poll, nanalo si Pangulong Marcos na nakakuha ng 62 percent habang 38 percent lamang ang bomoto kay Trudeau.